Vintage Tumblr Themes

em-magnoph:

Siguro napaka raming Blogs and Vlogs mo nang nabasa at napanuod.

Madami ka narin sigurong nabasang tweets sa twitter at status sa facebook na akala mo ay makakatulong sayo.

MAGULO ANG ISIP AT EMOSYON MO.

Nagtatalo yung gusto mong gawin o yung “DAPAT” mong gawin?

Bakit ka nga ba nag…

BEST DRUG STORE EYELINER (TAGALOG)

Marami narin akong na try na Liquid eyeiner sa na karaniwang nabibili sa Watsons at Hbc stores. Everbilena, Nichido, Sansan, Maybelline

Mayroon lang akong dalawang nagustuhan

SAN SAN LIQUID LINER

, Mayroon silang dalawang kulay na pag pipilian, Ito ay ang Brown at Black

Ang Luquid eyeliner na ito ay mabibili sa kahit at anong HBC Stores kahit saan dito sa Pilipinas, Hindi bumababa ang presyo nito sa 100 pesos, Napaka gandang deal nito.

Napaka daling gaminit dahil para itong maliit na pentelpen na manipis ang dulo na papakapal. Poited ang dito nito pero malambot, Tamang tama lang upang hindi masaktan ang mata at makagawa ng napaka gandang linya sa inyong mga mata.

Nakalagay din dito na ito ay Waterproof.

Alam naman nating napaka init dito sa pilipinas, oo waterproof ito pero hindi siya ganon ka kakapit kapag pinapapawisan ka lalo na sa muka pero kahit ganito hindi siya nag i smudge o kumakalat kagaya ng ibang eyeliner.

Magandang gamitin ang Black eyeliner sa pang araw araw pero maganda ito upang mapakapal at mas ma i open ang ating mga mata.

maganda naman gamitin ang brown pang araw araw dahil nagbibigay ito nang mas lite na itchura at nakakaiwas sa harchlines para hindi mag mukang over do ang iyong make up.

Isa ito sa pinaka magandang eyeliner na aking nasubukan at mayroon din itong presyong tama lang lalo na sa mga babae na nagsisimula palang matutunan ang makeup.

Okay din ito panimula sa kadahilanang madali itong ilagay kaysa sa mga brush type na liquid eyeliner

MAYBELLINE NEE YORK GEL LINER 450 pesos

Nabili ko ang aking maybelline Gel liner color black sa Robinsons Department store. nakalagay sa pacaging na nagagawa nitong magtagal sa ating mga mata ng 36 hours.

Ang aking kapatid ang mas madalas gumamit nito, at kitang kita ko naman na kahit mag hilamos na siya ng muka ay nanatili parin ang Gel liner na kanyang inapply.

Medyo nagiging mahina ang waterproof properties nito kung sobrang init ng panahon. 

Medyo may kamahalan ang presyo nito pero worth it naman,

maiit ito pero hindi madaling maubos, may kasama narin itong brush na walang duda na maganda naman talaga, Ito din ang tamang brush para sa pag gamit ng Gel liner.

PAALALA: Sa pag gamitng Gel at liquid liner, kung gusto mo ng natural look, gumawa lamang nang maniis na linya na sobang lapit sa upper lashline ng atong mata, makakatulong ito upang maging buhay ang itsura ng mata at well opened kahit walang mascara. 

Siguradihing nakasara ang mga produkto pagkatapos gamitin kapag nagkarron ng masyadong exposure sa matutuyo ito at hindi magandang gamitin.

How to Move On (TAGALOG)

Siguro napaka raming Blogs and Vlogs mo nang nabasa at napanuod. 

Madami ka narin sigurong nabasang tweets sa twitter at status sa facebook na akala mo ay makakatulong sayo. 

MAGULO ANG ISIP AT EMOSYON MO. 

Nagtatalo yung  gusto mong gawin o yung “DAPAT” mong gawin?

Bakit ka nga ba nag babasa ng mga ganitong Blogs?

Hindi ko maasure sayo na matutulungan kita sa pag mo move on, ang sakin lang i sha share ko sayo yung mga nakatulong sakin para malampasan ko yung part na yan. 

Hindi naging madali, pero naging worth it :)

Katulad mo nanood narin ako ng mga Video sa youtube na maaring makatulong sakin sa pag mo move-on wala e, desperada na ko ng mga panahong yon, Hindi ko alam pero naawa narin ako sa sarili ko. 

HINDI KA MAKAKA MOVE-ON KUNG HINDI MO GUGUSTUHIN

Aminin mo, hindi mo parin maiwasan mag stalk ng Very very lite sa Profile nya sa Facebook, at nasasaktan ka sa itchura ng newsfeed mo sa twitter kapag nakikita mong may (sorry for the word) Kalandian syang iba.

Iba no? Masakit, yung tipong sasabihin mo, okay lang! ano naman kung pinapalit nya ko? hamak naman ganda ko kesa sa kanya.

Parang kino comfort mo lang yung sarili mo

Hindi mo maiiwasang maging bitter, Hinding hindi, Isang senyales yan a minahal mo talaga yung tao e.

Pero hindi ka dapat maging bitter habang buhay, Lumilipas yan. Darating din yung panahon na mapapatawad mo na lahat. Including yourself.

AMININ MONG NAGKAMALI KA

Hindi masamang mag baba ng pride kung minsan teh, Sa totoo lang ayaw nating ibaba yung pride natin kasi ayaw nating mag mukang kawawa pero hindi mo naman kailangan ipahiya yung sarili mo e, 

PATAWARIN MO ANG SARILI MO

Patawarin mo muna yung sarili mo inside. Kapag nagawa mo yon, lalabas yon sa outer aura mo na nagiging okay ka na. Its a process Honey

Magsimula ka sa sarili mo, aminin mo yung kasalanan at kakulangan at kasobrahan nanagawa mo, yung mga mali, yung mga foul. Tapos pag tanggap mo forgive yourself.

MAGPATAWAD KA

Pag napatawad mo na yung sarili mo tska mo mapapatawad yug taong nakasakit sayo. 

Wag kang Unfair, aminin mo man o sa hindi, lahat tayo makakasakit.

Minsan hindi ka lang aware na nakakasakit ka or nauna ka lang kasi masaktan. That doesn’t mean na nasaktan ka e gaganti ka na or mananakit ka na, it doesn’t work that way. 

Mahirap magpatawad lalo na kung hindi ka pa handa 

IHANDA MO YUNG SARILI MO

Ihanda mo yung sarili mong tanggapin ang lahat, tanggapin na

WALA NA.

Sa una maiisip mong bakit hindi nalang kasi pwedeng ibalik sa dati.

Trust me kapag pinilit mong ibalik agad agad lalo na kayong mawawasak lalo itong mawawala. 

TANDAAN: IBA ANG PINAPIPILITAN SA PINAGLALABAN

Minsan wala talagang masasabing instant solution sa mga problema ng tao

Minsan TIME ang kailangan. TIME HEALS! 

You can’t heal a wound with just a medicine and first aid But Time.

——————————————————————————————-

PAPAANO KA MAGIGING OKAY SA MGA PANAHONG RAMDAM NA RAMDAM MO YUNG SAKIT?

Sana ang sakit jan sa puso mo ay makukuha ng mga naiinom na pain releaver, siguro kung may ganong gamot, best seller yon sa lahat ng botika nation wide, Sa dami ng taong nagrereklamo sa lovelife nila sa twitter ewan ko nalang.

Hindi rin sagot ang alak para makalimot, Hindi sagot ang alak para hindi mo maramdaman ang sakit. Pero kung yana ng gusto mo at jan ka naniniwala bahala ka. Pero and realidad ay hindi nyan masasagot ang mga tanong mo. 

LASING KA SA PAGIBIG AT PAG ASA NA MAGIGING OKAY PA KAYO.

SA AYAW AT SA GUSTO MO MASASAKTAN KA

——————————————————————————————-

PAANO  KA MAGIGING OKAY?

RESTART YOUR LIFE!

Hindi ko sinabing Oa na Restart ah. what i mean is

LEARN TO DO THINGS ON YOUR OWN

Gumawa ka ng mga bagay na kahit mag isa ka magiging okay ka, mga bagay na mag bebenifit ka.

MAGING PRODUCTIVE KA

enjoyin mo ang buhay without making dumb decision na pagsisihan mo sa huli, enjoyin mo ang buhay  sa paraang magsisi yung mga taong nanakit sayo, na kahit wala sila ay sumaya

Hindi dahil broken hearted ka  hindi ka na magiging productive,

 I’m not going to be a Hypocrite Mahirap mag function kapag bigalang nawala yung inspirasyon mo, Mahirap mag function kapag durog ka. 

Pero kailangan mong Lumaban, Kailangan mong hindi sumuko.

Wag mong sabihing susubukan kong lumaban kundi GAWIN MO!

Maraming mga Tao ay kumakain ng Ubod ng dami na pagkain pag stress sila kapag malungkot sila, kapag pakiramdam nila mag isa sila o walang nag mamahal sa kanila lalo na pag Broken Hearted sila.

Minsan dito nila naitutuon ang lahat ng kanilang atensyon.

Hindi masamang kumain ng comfort food mo pag broken ka, Kagaya ng icecream sweets at kung ano ano pa na mga paborito mong pagkain na nakakapag pa uplift ng mood mo at nakakapag pagaan ng pakiramdam mo, Hindi masama yon pero isipin mo ang sarili mo.

 

I suggest na MAGPAGANDA KA MAG PAKA FIT AND HEALTHY KA. Hind ka nya iniwan dahil panget ka, hindi ganun yon, Wag kang mag paganda para sa kanya magpaganda ka sa sarili mo, TANDAAN MO PARA SAYO.

FOCUS! BE BETTER!

A better you will attract a better next - JAM S.

I am not saying na mag hanap ka agad ng kapalit, ang akin lang mas pahalagahan mo ang saili mo ngayon at ihanda mo ang sarili mo sa future na mas better.

MAS MAHALIN AT PALAGAHAN  MO ANG SARILI MO 

paano mo magagawang magmahal ng iba kung ang sarili mo ay hindi mo nagawang mahalin a pahalagahan.

Bukod sa pagkain ang pagiging couch potato sa bahay isa sa pinaka maganda mong gagawin ay ang pag e excercise 

BE FIT GO FOR A RUN OR GYM

Naranasan mo na bang pumunta sa gym ng may problema ka?

Yung stress ka lang sa school sa dami ng ginagawa mo at nagkaroon ka ng BAD DAY?

Trust me masarap mag Gym kapag stress ka o may problema ka

OO mapapagod ka Physically pero malaki din kasing ganda ang dulot ng pag e exercise not Only Physically but also mentally.

Maglalaho ang mga muscle soreness at stress mo.

IWASAN MONG MAKINIG SA MGA SENTI MUSIC

Yung mga kantang makakapag paalala sayo ng hatred sakit at lahat ng puot na naranasan mo. 

Hindi makakatuong yon sa pag mo move-on mo lalo mo lang maalala ang lahat ng pait at sakit na pinagdaan mo.

PAANO MAG MOVE ON?

Walang makakasabi ng eksakto kung papaano pero

makaka move on ka kung determinado ka

ITS OKAY TO BE BITTER, BUT TOO MUCH BITTERNESS IS NOT HEALTHY, FOCUS ON BEING BETTER

Iba tayo ng pinagdaanan at  iba iba ang level ng sakit na naranasan natin, Parang sa gamot lang yan hindi purkit okay sakin ang gamot na ito ay okay narin ito sayo.

WALANG KASIGURADUHAN 

(Pero minsan kailangan mo sumubok at sumugal)

WALANG MAKAKAGAMOT SA SARILI MO KUNDI TAMANG ORAS AT PANAHON AT PANANALIG SA DIYOS

Syempre higit sa lahat wag mong kakaliutan si GOD.

You may have Hurdles in life but for sure in the end of the Day you will be polished. 

When you are brokenhearted, 
I am close to you. 
Psalm 34:18

HUMINGI KA NG TULONG KAY GOD AT TULUNGAN MO ANG SARILI MO.

I am also the Father who comforts you 
in all your troubles. 
2 Corinthians 1:3-4

WAG KANG SUMUKO SA PAG IBIG, 

As a shepherd carries a lamb, 
I have carried you close to my heart. 
Isaiah 40:11

One day I will wipe away 
every tear from your eyes. 
Revelation 21:3-4

GOD BLESS! KAYA MO YAN IIYAK MO LANG

TANDAAN MO KUNG HINDI PERMANENTE ANG SAYA PANIGURADONG HINDI RIN PERMANENTE ANG LUNGKOT.

And I’ll take away all the pain 
you have suffered on this earth.
Revelation 21:3-4